Kakaibang Trip Ni Misis (Enteng Book 2) Ch. 23
Ikaw na may asawang Lesbian. Masarap ang benefits.
Kakaibang Trip Ni Misis (Enteng Book 2)
Chapter 23 - Group Party.
Enteng’s POV…
Habang nagmamaneho ako pilit na pinapaulit ni Issa ang kwento sa kanyang pinsan na si Estong ang ginawa naming tatlong taga Baguio sa kanila ni Eggy.
Issa: Dali na Kuya… pano nangyari na sa second floor kayo iniwan nila Enteng pero madaming floors ang dinaanan ninyo pababa? Enteng saan ba ninyo talaga sila iniwan.
Ako: Pol ikaw na nga magsabi. Alam ko sa second floor lang tapos nung nakita na namin yung fountain sa east wing dun na namin iniwan silang dalawa. Diba?
Pol: Tahimik nga kami umalis eh ang daldal kasi ni Eggy. Hehehe. Ayun bumaba na kaming tatlo. Isang floor lang inakyat namin nun. Meaning second floor lang talaga yun.
Estong: Takte yan. Nung nawala yung tatlo parang lumaki yung batok ko. Tapos puta may narinig kami ni negro tumatawang bata!
Eggy: Oo walang stir. Paglingon ko si Mang Estong nlang kasama ko. Tapos tang ina. Lumakas yung tawa ng bata. Biglang tumakbo ito iniwan ako. Kaya sumunod na ako. Sigaw kami ng sigaw. Nasa hagdan kami… alam ko isang floor lang yung inakyat namin. Pero… takte yan. Napaglaruan ata kami.
Ellie: So pano kayo nakalabas?
Tumawa ng malakas si Estong at tinuro si Eggy habang hawak ang tyan nya kaya parang nahiya si Eggy.
Estong: Tang ina kasi yan. Hahaha.
Eggy: Ako na. Ganito kasi may nakita kaming ilaw. Eh nauuna ito tumakbo nung nakita namin yung ilaw bigla itong tumalon papunta sa akin tapos niyakap ako dito sa leeg oh ang bigat mong lolo ka! <...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





