TATLONG PUGAD ISANG IBON (Part 9)
“Anong ginagawa mo dito?“ tanong sa akin ni Monang ng maka- lapit sa kinaroroonan ko. Ang aking Voiieybelle ay naka kamiza de Chino na may mahabang manggas at pinatungan ng maluwag na kupasing T-Shirt. Naka sambalilo siya ng buli. At naka pantalon na lumang Tetoron na kulay itim. Kasalukuyan silang naggagapas sa kanilang bukid.
“Tinanong ko ang kaibigan mong si Ponyang kung bakit di ka pumasok, narito ka nga raw sa bukid,“ tugon ko sa tanong nya.
Nakita kong kumakaway sa dako namin ang tatay ni Monang. Tila nagmi-meryenda sila, ng dumating ako.
“Halika doon at kinakawayan tayo ng ‘byenan’ mo,“ natatawang sabi ni Monang, at nagpati una ng lumakad patungo sa...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





